Ito ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at
mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Partikular na
nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga
makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagpapalawak
at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na
malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa wikang Filipino,
batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma sa konteksto
ng komunidad at bansa.
- Teacher: MERIAN VILLEGAS