Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim
sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat,
gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga
estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa
wikang Filipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na
akma sa konteksto ng komunidad at bansa.