Paglalarawan sa Kurso:
Sang-ayon sa ipinag-uutos ng Batas Republika 1425, sákop ng kursong ito ang búhay at mga akda ng pambansang bayani ng bansa, si Jose Rizal. Ilan sa mga paksang sákop ay ang talambuhay ni Rizal at kaniyang mga isinulat, lalo na ang mga nobela niyang Noli me tangere at El filibusterismo, ilang mga sanaysay, at iba‟t ibang liham.