Sang-ayon sa ipinag-uutos ng Batas Republika 1425, sakop ng kursong ito ang buhay at mga akda ng pambansang bayani ng bansa, si Jose Rizal. Ilan sa mga paksang sakop ay ang talambuhay ni Rizal at kaniyang mga isinulat, lalo na ang mga nobela niyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ilang mga sanaysay, at iba’t-ibang liham.