Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong
nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekswalisadong komunikasyon sa wikang
Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa
partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang
kursong ito sa makrong kasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa
kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyunal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
- Teacher: BEULA MICA MACALINDONG