Pag-aaral ng mga prinsipyo ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at talino sa pasulat at pasalitang pagpapahayag. Linilinang ang kursong ito ng mga kasanayan sa pasalita at pasulat na pagpapahayag ng mga mag-aaral bilang indibidwal, mamamayan ng isang bansa at bahagi ng isang global na komunidad.