Deskripsiyon ng Kurso Sinusuri ng kurso ang kasaysayan ng Pilipinas mula sa iba’t ibang perspektiba sa pamamagitan ng pilìng primaryang batis na nagmula sa iba’t ibang disiplina at iba’t ibang genre. Binibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na masuri ang karanasan ng may-akda at mga pangunahing argumento, mapaghambing ang iba’t-ibang pananaw, matukoy kung may pagkiling, at masuri ang mga ebidensiyang inilatag sa dokumento. Tatalakayin sa mga diskusyon ang mga tradisyonal na paksa sa kasaysayan at iba pang temang interdisiplinaryo na magpapalalim at magpapalawak sa kanilang pag-unawa sa kasaysayang pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura, panlipunan, pang-agham, at panrelihiyon ng Pilipinas. Binibigyan ng priyoridad ang pangunahing materyales na makatutulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagsusuri at komunikasyon. Sa pagtatapos, inaasahang mapaunlad ang kamalayang pangkasaysayan at mapanuri ng mga mag-aaral upang sila ay maging mahusay, madaling maintindihan, magkaroon ng malawak na pag-iisip, at maging matapat at responsableng mamamayan.
Kasama sa kursong ito ang mahahalagang paksa sa Saligang-Batas ng Pilipinas, repormang panlupa, at sistema ng buwis.
Kasama sa kursong ito ang mahahalagang paksa sa Saligang-Batas ng Pilipinas, repormang panlupa, at sistema ng buwis.
- Teacher: Marlou Tangalin