Sinusuri ng kurso ang kasaysayan ng Pilipinas mula sa ibat’t ibang perspektiba sa pamamagitan ng piling primaryang batismna nagmula sa ibat’t ibang disiplina at iba’t ibang genre. Binigyan ng oportunidad ang mga mag aaral na masuri ang karanasan ng may akda at mga pangunahing argumento, mapaghambing ang iba’t ibang pananaw, matukoy kung may pagkiling at masuri ang mga ebidensyang inilatag na dokumento. Tatalakayin sa mga diskusyon ang mga tradisyunal na paksa sa kasaysayan at iba pang temang interdisiplinaryo na mag papalalim at mag papalawak sa kanilang pag-unawa sa kasaysayang pampolitika,pang ekonomiya pangkultura,panlipunan,pangagham at panrelehiyon ng Pilipinas.Binibigyan ng priyorida ang mga pangunahing materyales na makakatulong sa mga mag-kasanayan sa pagsusuri atn komunikasyon. Sa pagtatapos, inaasahang mapapaunlad ang kamalayang pangkasaysayan at mapanuri ng mga mag aaral upang sila ay maging mahusay, madaling maintindihan, magkaroon ng malawak na pag iisip, at maging matapat at responsableng mamamayan,