Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisasyong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino na kani-kanilang mga komunidad sa particular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng ibat-ibang tradisyunal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa ibat-ibang antas at larangan.